Mahirap ang malayo sa mga taong mahal mo, lalo na kung milya milya ang pagitan niyo, hindi mo alam kung buhay ka pa bang makakabalik sa mahal mo sa buhay, lalo na sa taong matagal ko ng mahal, mahirap ang pinili kong trabaho mula sa simple kong pagtuturo nun sa skwelahan ay nagpasya ako na mag sundalo nalang dahil nasa puso ko talaga ang pag susundalo, ayaw man akong payagan ng magulang ko ay pinilit ko parin, natatakot sila na baka sa pagbalik ko ay wala na akong buhay. Nangako ako sa taong mahal ko na babalik ako at pipilitin kong mabuhay para sa kanya, gusto kong magkaroon ng sarili kong pamilya, magkaroon ng tatlong anak, at mapakasalan ko siya, pano kung sa pag balik ko ay madami ng nagbago, mula sa akin at mula sa kanya, malaking pag babago na sa tingin ko ay mahirap ng ibalik sa dati......