39 parts Complete MatureStory by: Kit Ten
"Baby..." Turan niya kaya sinulyapan ko siya. Kinuha niya 'yong ulo ko at idinantay niya ito sa dibdib niya bago niya ito dinampian ng halik. "Namiss kita."
"May hindi ka sinabi sa akin."
"Ha? What is it?" Tanong niya kaya nag-angat ako ng ulo para tingnan siya.
"Binitiwan mo na pala 'yong Manhattan resort?"
"Oo, baby." Nakangiting tugon niya. "Nalaman mo na pala. Surprise ko sana sa'yo 'yon, eh."
"Bakit mo ginawa 'yon? Eh, ako naman 'yong natalo, 'diba?"
"Baby, hindi naman issue dito kung sino 'yong nanalo o natalo sa naging deal natin. Binitiwan ko 'yong Manhattan kasi alam kong gusto mo 'yon."
"Pero, Levi, I'm not asking you to do---"
"I know, baby, pero alam kong iyon ang makapag-papasaya sa'yo." Putol niya sa nais ko sanang sabihin bago niya ikinulong ang magkabila kong pisngi sa kanyang mga palad. "Baby, handa kong bitiwan ang kahit anong bagay na hawak ko basta para sa'yo at para sa ikaliligaya mo." He added before he captured my lips for the first time. . .