Status: Completed SYNOPSIS Noong nag-aaral ako sa high school at college, ang pagkakaroon ng nobyo ay wala sa isip ko. Oo nga't may iilang nanligaw sa 'kin, ngunit wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ko. Pero naisip ko rin na kung talagang gusto nila ako ay gagawa at gagawa sila ng paraan para mapasagot ako. Na-realize ko tuloy ang pagkakaiba ng pagkagusto sa pagmamahal. Marahil, gusto lang nila ako kasi matalino ako't 'pag naging girlfriend nila ako'y may instant tutor na sila. Bigla ko na lamang tuloy naitanong sa sarili ko... bukod kay Tatay, sino pa kaya ang lalaking tunay na magmamahal sa 'kin habang-buhay? Kung mayroon man, kailan naman kaya siya darating? Eh, paano kung dumating ang isang araw, ako ang makaramdam ng pagkagusto? Mapapalitan kaya iyon ng pagmamahal o mananatiling hanggang doon na lang?