My Strict Boss
Sa isang mundong puno ng lihim, kapangyarihan, at panganib - paano kung ang boss mo ay hindi lang Ceo kundi isang taong may tinatagong digmaan?
Si Colin Reyes, isang simpleng aplikante bilang sekretarya o iyon ang akala ng lahat. Sa likod ng kanyang katahimikan ay isang lihim na misyon:
Protektahan ang lalaking hindi niya inaasahang magiging mundo niya.
Si John, isang malamig, istrikto, at makapangyarihang boss. Isang lalaking sanay mag - utos pero hindi sanay magmahal.
Sa bawat araw na magkasama sila, unti - unting nabubunyag ang mga lihim, mga pagtataksil, sindikato, at mga kalaban na handang sirain ang lahat.
Pero sa gitna ng gulo... may damdaming hindi nila kayang pigilan.
✨ Paano kung ang secretarya mo ay hindi lang empleyado kundi tagapagligtas mo?
✨ Paano kung ang boss mo ay hindi lang amo kundi ang taong handa mong ipaglaban?
Sa gitna ng utos at damdamin, sa gitna ng panganib at pag - ibig -pipili ba sila ng misyon... O ang isa't isa?
*"Sa mundong puno ng laban, may isang taong magiging paghinga mo. "