(COMPLETED)
Published under Wesaklat Publishing House.
Ang pag-ibig daw ay may iba't-ibang uri, lasa at kulay. Nariyan ang pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa kapuwa, pag-ibig sa kapatid, pag-ibig sa kaibigan, pag-ibig sa kasalungat na kasarian, pag-ibig sa pamilya, at marami pang iba.
Ngunit hanggang saan nga ba ang kayang abutin o gawin ng tao para sa pag-ibig?
Hanggang saan ang pagmamahal ng magulang sa kanyang mga anak? Ano ang mga kaya nilang gawin para sa kapakanan ng kanilang mga minamahal na supling? Gayon din naman, hanggang saan ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang mga magulang?
Ating tunghayan ang pambihirang kuwento ng buhay ni Andrea, isang labing-walong taong gulang na dalaga na tila ba hinahamon ng mapaglarong tadhana.
Nasa kanya na raw ang lahat, suporta ng magulang, materyal na mga bagay, at magandang paaralan na pinapasukan.
Ngunit bakit sa kabila ng lahat ng iyon ay tila hindi siya masaya sa kanyang buhay?
Paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang maglaho sa hindi malaman o maipaliwanag na dahilan?
Ano kaya ang mararamdaman ng mga taong nagmamahal sa kanya? Isang daang porsiyento ay masasaktan at mag-aalala sila, hindi ba? Ngunit paano kung ang dahilan pala ng pagkawala ni Andrea ay ang mismong mga tao na nagmamahal sa kanya?