Naniniwala si Adriana Gomez na si Alejandro Del Riego ang lunas sa kanyang di maipaliwanag na kondisyon kung kaya't napagdesisyunan niya na kilalanin pa nang mas higit ito. Palagi niya itong sinusundan. Animo'y linta na laging nasa likod ng binata. Lahat na ata ng pagpapapansin ay ginawa ni Adriana para lang makuha ang atensyon ni Alejandro pero wala pa ring pagbabago sa malamig na pagtrato nito sa kanya. Sa paglipas ng panahon, natagpuan niya ang kanyang sarili na nahuhulog sa binata. Ngunit sa bawat pagtakbo niya patungo rito ay siyang patuloy namang paglayo nito sa kanya. Hanggang saan ang kayang tiisin ni Adriana sa pagmamahal na di kayang suklian ni Alejandro?
1 part