KABIGUAN sa pag-ibig ang naging daan para makilala ni Xavier Markus Lardizabal si Marie-ang simpleng dalagang nakatira sa malayong Isla sa Negros. Niloko ito ng nobya nitong, pinangarap pakasalan ng lalaki noon pa man. Kirsten is Xavier long-time-girlfriend. Ngunit dahil sa pagtataksil nito sa kay Xavier. Handa ang lalaking kalimutan ang lahat. Sa Isla napadpad si Xavier bilang Markus at d'on ay naging malapit ang loob nila ni Marie sa isa't isa. Hindi lamang pagiging tour guide ang naging papel niya sa binatang dayo sa lugar nila, naging malapit niya rin itong kaibigan sa Isla. Isa si Marie sa naging dahilan kung bakit pansamantala niyang nakalimutan si Kirsten. Pagkakaibigan na hindi niya akalaing-may itataya siyang damdamin. May nangyari sa kanila ni Markus. Buong puso at kaluluwa niyang binigay ang pinakainingatan niyang puri at pagmamahal dito wala siyang tinira para sa sarili niya. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila. Ang inakalang HAPPY ENDING ni Marie-ay hindi nangyari; saklaw ang buong pamilya ni Markus sa kaniya, hindi lang dahil wala silang relasyon ng lalaki kundi dahil mahirap lang ang buhay nila sa Isla. Ngunit, pinaglaban ni Marie ang pagmamahal niya sa lalaki, nanatili siya sa bahay ng mga ito kahit na harap-harapan siya kung ituring ay trapo. Ganoon din si Markus sa kaniya. Tiniis ni Marie ang lahat ang pag-aalipusta ng magulang nito ganoon din ang pag gamit ni Markus sa katawan niya, manatili lang buo ang kaniyang pamilya. Dahil sa puso niya umaasa siyang matatagpuan ni Markus ang pagmamahal nito para sa kanila. Hanggang kailan kakayanin ni Marie ang lahat? Paano kung sa dulo ng kwento may isang lihim na malalantad? Mapapatawad niya ba si Markus sa lahat ng pagkakasala o, mananaig ba ang habambuhay pagmamahal na kaniyang pinangako para sa kaniyang pamilya?