Simple lamang ang buhay ng labing anim na taong gulang na si Yuri Sevillena, isang matalino, mabait, mapagmahal, maalaga, maganda, simple, at hinahangaan ng lahat. Nang mamatay ang kanyang kapatid, ang kanyang buhay ay nagbago. Kailangan niyang magtrabaho at magpursige sa pag-aaral upang mayroong makain sa pang-araw-araw lalo na sa kanyang pag-aaral. Hindi akalain ni Yuri na mayroong isang lalaki ang tutulong sakanya upang siya ay pag-aralin at bayaran ang hospital na hindi nila nabayaran. Ang lahat ng iyon ay may kapalit, ay ang maging teacher ng kanyang anak. Si Ravena Keifer Montenegro, labing pitong taong gulang. Lugmok siya sa kanilang bahay, ayaw ng kaibigan, masungit, mainitin ang ulo, at ayaw na ayaw sa mga babae. Paano kung ang pagtuturo ni Yuri ay mauwi sa pag-aaway. Mayroon kayang posibilidad na magkagustuhan sila dahil doon? The more you hate the more you love. Dito na rin kaya magbabago ang ugali ni Ravena at ni Yuri bilang isang mayaman?