Nang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanyang kalooban dahilan upang mabuo niya ang kanyang mga plano. Maisagawa nga kaya ni Ritzely ang kanyang plano laban kay Rizmond Montemayor gayong nakukuha na ng binata ang loob niya? Maging matagumpay nga kaya siyang pabagsakin ang pamilya ng binata sa kabila ng namumuong pagtingin niya para rito? Isusuko na nga lang ba niya ang paghihiganti at magpadala na lamang sa agos ng kanyang damdamin o patuloy siyang lalaban para sa hustisya?