HAPPY VALENTINE'S 2 (On Going)
40 parts Ongoing Isang taon matapos ang madugong trahedya noong Valentine's Day, isang bagong pag-ibig ang namumuo kina Sadie at Jaxon. Akala nila'y panibagong simula-malayo sa sakit, takot, at pagkakanulo. Pero hindi nila alam... may multong nagbabalik.
Si Scarlett, ang misteryosang presensyang lumitaw sa mga hallucinations ni Chellsy, ay muling nagpaparamdam. Ngayon, hindi na siya ilusyon-isa na siyang sumpa.
Unti-unting sinasapian si Sadie, binubulungan ng galit, selos, at karahasan. Habang lumalala ang kanyang pag-iisip, si Jaxon ay nahuhulog sa bangin ng takot-nakikita niyang unti-unting nawawala ang tunay na Sadie.
Sa oras ng kaguluhan, tatlong natirang survivor mula sa unang kwento-Dave, Carlo, at Janine-ang tanging pag-asa ni Jaxon. Pero para mailigtas siya, kailangan nilang harapin ang multo ng nakaraan... at ang multong literal na bumabalik.
Ngayong Valentine's Day... ang pag-ibig ay hindi lang masakit-nakamamatay.