Tulad ng tinta, ang hininga'y nauubos. Tulad ng ulang tumitila, ang buhay ay siya ring humihinto. At tulad ng isang kalatas, ang pagmamahalan natin ay siya ring magwawakas. Ngunit ang mahalaga, naisulat sa tala ang ating kwento. Kwentong kailanma'y hindi malilimutan at habang buhay kong panghahawakan. Ako si Claui, lubos na nagpapasalamat sa kadahilanang maikli man ang panahon na tayo'y nagsama, tulad ng isang tula, tayo ay nagtugma.