Story cover for TRANSLATED by MiaGhibee
TRANSLATED
  • WpView
    MGA BUMASA 21
  • WpVote
    Mga Boto 0
  • WpPart
    Mga Parte 4
  • WpView
    MGA BUMASA 21
  • WpVote
    Mga Boto 0
  • WpPart
    Mga Parte 4
Ongoing, Unang na-publish Mar 24, 2022
Si Tristan isang maimpluwensiyang tao na nabubuhay lamang sa mga makamundong luho. Para sa kaniya ay pera lang ang nagpapaikot sa buhay ng isang tao. Hanggang sa napabayaan din niya ang sariling pamilya. Ngunit isang araw ay siningil na siya ng tadhana nang isang malagim na aksidente ang nangyari sa kanya. Napag-alaman niyang isa na siyang kaluluwang ligaw at bilang na ang kaniyang mga araw na pananatili sa mundo. Siya ay nakatakda nang maglakbay patungo sa kaniyang huling destinasyon.
 
Ang kaniyang huling kahilingan sana ay maitama pa niya kaniyang mga pagkakamali at maiparating sa pamilya ang kaniyang pagsisisi. Ngunit hindi ito madali dahil ang kapalit nito ay isang misyon, ang mabuhay siya sa kabilang dimensiyon. Sa mundo na kung saan isang siglo na ang nakaraan. Upang gampanan ang tungkulin bilang nawawalang prinsepe at maging tagapagligtas ng isang pabagsak na kaharian na may kinalaman sa buhay ng kanyang pamilya sa kasalukuyan at hinaharap.

Mabibigyan pa kaya ng pagkakataon si Tristan na makasama ang pamilya at maitama ang kaniyang mga pagkakamali?
All Rights Reserved
Sign up to add TRANSLATED to your library and receive updates
o
#6lifeafterdeath
Mga Alituntunin ng Nilalaman
Magugustuhan mo rin ang
It Might Be You ni justasweetsmile006
54 mga parte Kumpleto
Si Tristan Paul Madrigal. Ang lalaking sobrang seryoso sa buhay lalo na pagdating sa pag-aaral. Matalino, masipag at gwapo. Iisa lang ang focus sa buhay, yun ay ang makapagtapos para mabigyan ng magandang buhay ang Ina na siyang tumataguyod sa kanyang pag aaral. Wala sa bokubolaryo nya ang salitang pag-ibig kaya naman ng dumating sa buhay niya si Amethyst ay nawindang ang buhay niya at tila ba nawala sa focus niya pag-aaral at napunta na lamang sa babae. Pero naisip nya na hindi pwede iyon kaya naman iniwasan niya ito hanggang sa hindi na nya namalayan na nasasaktan na niya ito. Si Amethyst De Silva. Ang babaeng laging laman ng bar at clubs. Dito nya lang kasi nailalabas ang saloobin nya. Dito walang humuhusga sa kanya. Mayaman, medyo may pagka mataray pero mabait, maganda at pinapantasya ng mga kaeskwelang lalaki. Tamad din mag aral dahil sabi nga nya mayaman naman ang pamilya nya kaya kahit di siya mag aral ay siguradong maganda pa din naman ang kinabukasan nya. Minsan nababansagang "play girl" dahil sa pagiging malapit sa mga lalaki peo lingid sa kaalaman ng lahat ay takot siyang masaktan. Pero ng makilala nya si Tristan Paul ay parang gusto nyang bawiin ang isinumpa nya noon na hinding hindi na siya magmamahal ulit dahil unang beses palang ng pagkikita nila ay nakaramdam na siya ng kakaiba sa lalaki. Pero katulad ba ng nauna nyang buhay pag-ibig ay mabibigo at masasaktan na naman ba siya? Magagawa kaya ni kupido na paglapitin sila kung ang tadhana mismo ang pilit na paglalauyuin sila?
Magugustuhan mo rin ang
Slide 1 of 10
Kaagaw Ko Man Ay Langit cover
Amaging Obra Maestra cover
Magical Love cover
ANACHRONISM  cover
Wishing You The Love||COMPLETE (Published under IMMAC PPH) cover
It Might Be You cover
Ang lalaki sa larawan cover
Richard's Standard cover
MAPANDARA (Sa Muling Paglubog ng Araw) cover
The Lost Princess of the Brazon Kingdom [Princess Series#2] cover

Kaagaw Ko Man Ay Langit

19 mga parte Kumpleto

Mahirap magmahal kung mayroong hindi magandang nakaraan. Gustuhin mo mang lumigaya at hayaan ang sariling magmahal at mahalin ay hindi mo magawa sapagkat may multo ng kahapon na pilit lumalamon sa maganda mong kinabukasan. Maraming aral at sakit ang dulot ng isang nakaraang pagkakamali na magiging hadlang sa pagbubukas ng panibagong saya o di kaya naman ay sandata para labanan ang lahat ng sakit ng nakaraan at matutong sumugal sa nararamdaman. Sa ating mga pagkakamali madalas nating malalaman kung sino sa mga taong nakapaligid sa atin ang tunay na nagpapahalaga at nakauunawa sa atin, kung sino sa kanila ang kayang kalimutan ang ating nakaraan upang tanggapin tayo ng walang pag-aalinlangan. Ngunit paano kung sakaling sa panahon na napagtagumpayan mo na nga na makita ito ay kasabay din naman ng katotohanang langit na ang magiging kaagaw mo? Ipaglalaban mo pa rin ba ang kasiyahang matagal nang ipinagkait sayo o patuloy kang magpapatalo sa multo ng nakaraan mo?