Matagal ng may pagtingin si Syrra Amber Montes kay Nicholas Herrero, ang apo ng business partner ng kaniyang lolo. Lumaki si Syrra sa puder ng kaniyang lolo kaya madalas niyang makita si Nick mula pagkabata nila hanggang sa lumaki na nga sila. Animo'y ligaw na tuta siyang panay ang sunod dito at kahit pa nga pilit siyang itinataboy ng lalaki ay hindi parin niya magawang sumuko. Naging parte na ng buhay ni Syrra ang pagdikit lagi sa lalaki kahit pa nga iritang-irita ito sa kaniya at nauuwi sila sa pagbabangayan. Kahit na bulgar ang pagkadisgusto ni Nick kay Syrra ay patuloy parin niyang minamahalhal ang lalaki. Hindi bulag si Nick para hindi mapansin o maramdaman ang pagtingin ng babae rito, ganunpaman ay wala parin itong pakialam sa bagay na 'yon. Masyadong competitive si Syrra para sumuko, pasasaan ba kasi at mahuhulog din naman ang lalaki sa kaniya. Kahit ilang love letters pa ang ilagay niya sa locker nito, mga roses na isasalubong niya sa paggising nito at araw-araw niyang pag-amin dito, hinding-hindi susuko si Syrra hangga't hindi nahuhulog ang lalaki sa kaniya. Note: This is the last installment of Villa Larra Series.