Ilang araw nang hindi maganda ang panahon. Palagi nalang umuulan nitong mga nakalipas na araw. Nakakabigla. Kahit sa gitna ng kasikatan ng araw, hindi mo aakalain na bubuhos pala ang ulan. Wala naman kasing binabalita sa telebisyon na mayroong bagyo. Basta basta nalang pumatak ang ulan sa panahong hindi ko inaasahan.Parang siya. Bigla bigla nalang dumating sa buhay ko at nagpabago sa ikot ng aking mundo. Ni wala man lang pasabi. Ni wala man lang paalam. Siya si Rayne Mariano. Ang babaeng minahal, mahal, at mamahalin ko. higit pa sa buhay ko.All Rights Reserved