Ang "Kung Paano Umibig Sa Isang Santo" ay koleksyon ng mga tula na ginamit ang piling mga sining mula sa rehiyon ng Visayas bilang tayutay sa iba't ibang naratibo ng pag-ibig mula sa makatotohanang representasyon kung paano ang umibig. Sa koleksyon ng tula na ito ay matutunghayan ang mga kuwento ng pag-ibig mula sa iba't ibang perspektibo, sa kung paano naiiba ang karanasan ng karamihan sa kung ano nga ba ang tunay na pag-ibig ayon sa mata ng bawat persona ng mga piyesang kabilang dito. Layunin ng koleksyon na ito na bigyang importansya ang sining sa rehiyon ng Visayas, at hinihikayat ko ang iba na mas tangkilikin pa ang tradisyonal at modernong sining sa iba't ibang rehiyon ng bansang Pilipinas.All Rights Reserved