"Paglaki ko ako naman ang puprotekta sa 'yo, JM, promise! Ok ba 'yon? -GENE "Puprotektahan natin ang isa't isa, Gene. Promise!" -JHON MARKUZ Genalyn 'Gene' Lopez. Nangarap na matupad ang kanyang kagustohan na maprotektahan ang isang lalaking naging Protector n'ya sa murang edad, kaya naman nagsikap na makapag-aral at makuha ang posisyong nararapat o sapat na para sa kanya upang maibigay ang proteksyong nais n'yang ibigay sa lalaking minamahal at iniingatan. Si Police Lieutenant General (Deputy Director General) Lopez, na nagsisilbi sa lipunan ng bansa at isa sa pinakamahusay na kawani ng batas, ngunit sa likod no'n ay nakatago s'ya sa pagiging isang Secret Agent para lalaking lihim na minamahal, na kahit ang sariling batas ay kayang kalabanin alang alang sa pagmamahal. Jhon Markuz Morrison. A Mafia Leader, a Business Tycoon, and a Single father na gagawin ang lahat para mapanatili ang kaligtasan ng isang anak mula sa mga kalaban, ngunit ang pag-iingat na 'yon ay hindi n'ya nagawang panindigan. Nawala ang kanyang anak at sa loob ng limang taong lumipas ay nananatili s'yang waring nangangapa sa kung ano o sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanyang anak. FIGHT or LOVE? Ano ang dapat mong piliin at kaya mong panindigan? Hanggang saan ka kakapit at hanggang kailan ka aasa para sa taong pinag-ukulan mo ng 'yong pagmamahal kung kamatayan mo naman ang tanging kaligayahan ng lalaking minamahal. FIGHT for LOVE with the MAFIA 'Jhon & Gene'