Book 3 of 3 Dalawang taon na matapos ang huling kaguluhan sa Titania. Dalawang taon na ring namuhay si Jai bilang Hari ng Kaharian ng Silangang Serentos, ngunit hindi pa rin lubos niyang matanggap ang sinapit ng kanyang minamahal. Patuloy itong babagabag sa kanyang isipan hanggang sa nalaman niya ang susunod na propesiya-ang muling pagdalaw ng kadilimang inaakala nilang nabaon na sa hukay. Kakayanin bang harapin ni Jai ang lahat gayong wala na sa tabi niya si Xandrus? Date Started : January 4, 2023 Date Finished : February 7, 2024