Ang magmahal at ang mahalin ng taong iyong minamahal ay ang isa sa pinakamagandang nangyayari at mangyayari sa buong buhay ng isang tao. Magiging iba ang pananaw ng isang taong nagmamahal. Iba ang sayang madarama. At higit sa lahat, iba ang aura ng taong in love.
Pero kung gaano kasaya ang makikita mo sa mukha ng taong in love ay siya ring lungkot ang iyong makikita sa mukha ng taong nasasaktan. Parang pinagsuklaban ng langit at lupa kumbaga. Ika nga nila, kakambal ng pagmamahal ang masaktan. Nasasaktan ka dahil nagmamahal ka. Pero kung ikaw man ay nasaktan na at tuluyan ng kinalimutan at pinagwalang bahala na nang taong iyong minamahal, wala ka nang ibang magagawa kundi ang tanggapin na hindi ka na parte ng buhay niya.
Kapag nagmahal ka, lahat makakalimutan mo. Wala ka nang pakealam kung may masagasaan kayo. Kungbaga, yung mundo mo umiikot lang sa taong mahal mo. Pero 'pag ikaw naman ay nasaktan, lahat ng lalaki, kinukumpara mo sa taong nakapasakit sa'yo. Oh diba! Generalize agad.
Ngayon, ating subaybayan ang kwento ng pagmomove-on ni Ashianna Amethyst Rafaela. Ano nga ba ang kanyang nakaraan at kung paano niya natanggap ang katotohanang hindi siya pinili ng taong kanyang minahal. Kung paano niya harapin ang kanyang mga nakaraan na pilit bumabalik sa kanyang buhay pagkatapos nagpakalayo-layo at kung paano niya binago ang kanyang sarili pagkatapos masaktan ng pag-ibig.
Tunghayan din natin kung ano ang kanyang magiging version of forever.
(CTTO for the picture the author used in the book cover.)
All Rights Reserved