Ruan Mari Raymundo is a transfer student in La Concepcion High School. Isang paaralan na mataas at kinikilala bilang pinakamahusay na kalidad na paaralan sa Pilipinas. Ngunit, naglalaman pala ito ng mga samo't saring transaksyon ng illegal na gawain.
Ito ang dahilan ng paglipat nya sa School na ito, ng mamatay ang Fraternal twin brother nya na si Ruen Lari Raymundo, depression ang sanhi ng pagkamatay nya. Ngunit walang ni pulis ang nag-imbestiga kung bakit sya depressed.
"Kung gusto mong malaman ang tungkol sa pagkamatay ni Ruen, hanapin mo si X"
Samantalang, si Schyra naman ay isang babaeng nahalal bilang Student Public Information Officer ang madadamay sa imbestigasyon na gagawin ni Ruan, ginawa syang tulay ni Ruan upang malaman ang tungkol sa galaw ng mga student officer ng school. Nagkaroon ng maliit na grupo sa loob ng school kasapi na dito si Schyra at Ruan na syang misyon din ay imbestigahan ang mga transaksyon na nangyayari sa loob ng school.
Sa pag-iimbestiga nila upang mahanap si X ay nadamay sila sa isang pagsabog ng isang warehouse na kagagawan ng mga tauhan ni X. Dahilan upang maging critical si Schyra.
Sa kanyang pagbabalik, ibang itsura at persona ang makikita ng lahat. Siya si Amara, ang kambal na kapatid ni Schyra na syang myembro ng Reserved Junior Police na may misyong tugisin ang 3 Rising Sun na syang kinabibilangan ni X.
Sa pagsasanib pwersa nilang dalawa, darating ang bagong susubok sa kakayanan nila.
"There's no turning back"
-X
Started: April 2, 2022
Smiles of Death
Book 1
Hunt of the Pantalleon Core
Kwento ito ng magkakaibigang tumakas mula sa isang black organization na tinatawag na Pantalleon Core. Sa pagtakas nila ay nakakuha sila ng tulong at suporta mula sa isang misteryosong taong nagpakilala bilang Nureyev, pangalan ng batang sinasabing pinakaunang matagumpay na nakatakas ng PC ilang taong ang nakararaan.
*
Sa kabila ng pag- alis nila mula sa impiyernong yon ay hindi na sila pwedeng bumalik sa kani-kanilang pamilya sa panganib na malagay ang mga ito sa kapahamakan. Dahil na rin sa mga ginawa sa kanilang mga eksperimento ay hindi na lang sila mga simpleng kabataan. Isa yong katotohanang dapat nilang itago sa ibang tao. Tinanggap sila sa pamamahay ng kaibigan ni Nureyev na si Brook at doon nagsimula ng bagong buhay.
*
Pagkatapos ng ilang taong katahimikan, si Ravenous, ang pinakaulo ng PC, ay pinadala and dati nilang kaibigan na si Thorn upang kunin at ibalik sila.