Nang tanggapin ni Stacey ang alok ng bestfriend na si Maggie na pumunta sa Adam's Paradise ay dalawang bagay lang naman ang gusto niyang mangyari... Una ay ang magamot ang sugatan niyang puso dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend. Pangalawa ay ang ma-inspire para matapos na niya ang mga nobelang nire-require ng publishing house nila para ma-renew ang kanyang kontrata. Epektibo naman kaya ang solusyong ibinigay ni Maggie sa problema niya? O may bago na naman siyang problemang mararasanan sa isla?