Ilang taon na akong ganito, nabubuhay na parang may kulang sa pagkatao ko. Kulang ako dahil ang puso ko, ninakaw ng isang istrangherang nagpabago ng buhay ko. Tumititig nalang ako sa kawalan, tulala. Huminga ng malalim, ibinuga sa hangin ang pangungulila sa isang taong alam kong imposibleng maging sa akin. -- Arcade Joaquin