Sa kanilang planeta, pinaniniwalaang si Marian na ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihan na nilalang sa sanlibutan.
Isa syang babaeng nabuo mula sa sapa ng kumukulong likido. Pinaniniwalaan na sa sapa na iyon napupunta ang kaluluwa ng mga nilalang na yumao na. Ayon sa propesiya, ipinadala siya ng mga pumanaw upang maitigil na ang kaguluhan at siya rin ang magpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa sanlibutan.
Dahil sa kanyang kapangyarihan, madali nyang napagkasundo ang magkakaaway na lahi sa kalawakan.
Ngunit dahil sa pagnanasa ng mga masasamang nilalang na sakupin at pagharian ang buong kalawakan, hinuli nila ang