Story cover for Dear Alistair (one night stand) by Shaquille_Flame
Dear Alistair (one night stand)
  • WpView
    Reads 6,348
  • WpVote
    Votes 294
  • WpPart
    Parts 52
  • WpView
    Reads 6,348
  • WpVote
    Votes 294
  • WpPart
    Parts 52
Ongoing, First published Apr 05, 2022
Hindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. 

"Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ngiti at may pangalan na Jake. Naglakad ito at sinundan si Aspien na naglalakad patungo sa park. 

Doon tumatambay si Aspien kapag gusto nito magpahangin. Malapit lang iyon sa bar kaya nilakad lang iyon ni Aspien. 

Sa isip ni Aspien swerte siya ng araw na iyon dahil wala ng tao sa lugar na iyon- wala siyang makikita na nagma-make out ng ganoon na oras. 

Umupo si Aspien sa bench at hindi pa ito nakaka-apat na minuto mula sa pagkakaupo may mga pares na paa siyang nakita. Pag-angat niya ng tingin- nakita niya si Jake. 

Captain ng varsity team sa campus nila at pinag-aagawan ng mga babae.

"Ako pala si Jake. Inimbitahan kami nina Jamaica kanina- bakit ka pala nandito?" tanong ni Jake. Namumula ng mukha nito at halatang lasing. 

"Unang-una wala akong pakialam kung sino ka, pangalawa hindi ako interesado kung inimbitahan ka- hindi ko tinanong and lastly, mind your own business," banat ni Aspien na may inis sa mukha. Ayaw niya ng kinakausap siya lalo na kung hindi niya naman ito kilala.

Napa-whoa ang mga barkada ni Jake. Parang sinampal si Jake dahil doon at napahiya siya. 

"Kung wala na kayong sasabihin pwede umalis kayo sa harap ko. Hinaharangan niyo iyong fresh air," ani ni Aspien na masama ang tingin sa mga lalaki. 

"Ang tapang mo ah! Sino bang pinagmamalaki mo?" asik ni Jake at hinablot ang babae. Na-offend ito at isama pa ang tama ng alak. 

"Katulad ka din naman ng mga kaibigan mo. Kapag gwapo at pagdating sa pera- bigay agad. Magkano ka ba? Aspien Lewis."
All Rights Reserved
Sign up to add Dear Alistair (one night stand) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Second Hand Love (Completed) by annageron1
38 parts Complete
Pagpapanggap at pagkukunwari. Ito ang kanyang expertise. Ang kanyang kabuhayan. Bilang undercover agent ng isang highly classified agency ng pamahalaan ng Pilipinas na sumusugpo sa pagkalat ng mga ipinagbababawal na gamot, kinailangan ni Celestine "Les" Rosete na bumalik sa baryong sinilangan at kinalakihan at magpanggap bilang isang teacher upang lihim na imbestigahan ang natanggap nilang impormasyon na may namumugad ditong isang malaking drug syndicate. Subalit ang kanyang pagpapanggap ay natuklasan ni Roman, ang lalaking pinagkalooban niya ng matamis na oo subalit pinagkaitan ng pagmamahal noong sila ay nasa high school pa lamang. Ang lalaking ginamit niya ang pagmamahal upang makamit ang pagmamahal ng iba. Roman Jovencio, the man with the sexy walk at isa ng matagumpay na negosyante. Pumayag ito sa kanyang pakiusap na itago ang kanyang lihim, for a price. Magpapanggap silang magkasintahan at gagawin nila ang mga bagay na ginagawa ng magkasintahan na ipinagkait niya dito noon. Sa lahat ng hinawakang assignment, pinaka-mahalaga para kay Les ang mabuwag ang sindikatong unti-unting lumalason sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kababaryo. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ni Roman. Wala rin siyang nagawa ng mabihag nito ang kanyang pihikang puso. Ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan. Sa piling ni Roman, naranasan niya kung paano magmahal at mahalin ng walang kapantay, natuklasan ang isang tunay na pag-ibig na naging lahat sa kanyang buhay. Kaya paano niya tatanggapin ang sinasabi ng ilang kakilala na isa lamang siyang second hand love? Na ginawa lamang siyang pansamantalang pamalit ni Roman habang hinihintay na bumalik sa bansa ang babaing tunay na minamahal at nakatakdang pakasalan. Ang lahat ba ng kanilang pinagsaluhan at maging ang pagkatao ni Roman ay pawang pagpapanggap at pagkukunwari lamang?
Mysterious University by _D4rk_S1d3_
43 parts Complete Mature
"Bakit kayo lang ang nakakakita sa entrance ng University?" "Seryoso? wala kang nakikita? Pare-parehas lang naman tayong may mga mata ah. Hindi mo ba talaga nakikita ang malaking gate na ito? Tapos ang laki-laki pa nga ng nakasulat sa itaas 'Mysterious University' oh. " At tinuro pa ni Akiera ang sulat sa itaas. "Hindi ko nga nakikita ang lahat ng nilalarawan mo. All I see is an empty lot." "Empty lot? Eh ang tayog pa nga ng gusaling nakatayo. Mala-mansyon nga yata yung isang iyon na nasa bandang silangan." Pagpupumilit ni Akiera. Hindi niya alam kung paanong idetalye ang lahat ng tanaw ng kanyang paningin mula sa entrance ng Unibersidad kung saan sila kasalukuyang nakatayo. "Baka pili lamang ang maaaring makakita sa paaralang ito." "So anong gagawin natin eh wala nga talaga kaming makita." "Marahil ang nakakakita lamang ang maaaring sumubok na pumasok." Sabi ni Junard. "Eh paano naman kaming walang makita?" "Mabuti pa umuwi na muna kayo. Kami na bahalang lumutas sa misteryong ito." Pagsabi nito ay pumasok na sa bukas na gate si Damien. "Hala nasan na si Damien? Bigla syang nawala." Gulantang ng mga kaibigan niyang hindi nakakakita sa Paaralan. "Hindi nyo rin siya kita? Eh ayon oh, naglalakad lang sya sa path ways, pumasok na kasi siya ng gate." Paliwanag ni Akiera na lubos na ipinagtatanggol na totoong may entrance. "Damien! Oyyy! Hintayin mo ako. Walang iwanan ah." At tumakbo na din si Akiera papasok sa loob. "Hala! pati si Akiera ay naglaho!" Namimilog sa gulat ang mga mata ni Sabrina. "Sabrina!" "Naku buhatin nyo, nahimatay na si Sabrina." "Kayo na ang bahala kay Sabrina. Hindi ko maaaring hayaang mag-isang kasama ni Damien si Akiera. We all know that Damien is not a good man. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanya si Akiera." Pagsabi nito ay patakbong pumasok si Junard sa Entrance. "Junard no!!!!" Sigaw ng isa sa mga naiwan. Pero huli na ang lahat, hindi na ito nagpapigil. _____ Mature Content 🔞 Disclaimer: Photo
THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED)  by clangclangCutie
52 parts Complete
Highest Rank Achieved #1 in trending #3 on popular #8 in romance #4 on love #9 on age The Billionaire's High School Wife "Daddy maawa ka naman! Pati ba naman ako ibebenta mo ng dahil lang sa kakarampot sa pera? lnubos mo na nga lahat ng ari-arian natin pati talaga ako? Dad! lsipin mo naman ako! Anak mo ako!" lyak lang ako ng iyak. I'm only sixteen years old! A high school student and yet nararanasan ko na lahat ang pait ng buhay! Okay naman ang pamumuhay namin ee. Until my mom died two years ago. Dahil sa pagkawala ni mommy nalulong sa bisyo si daddy. Naging sugarol dahilan para mawala lahat ng ari-arian at kompanya namin. But is this right? Ang ibenta maging sarili niyang anak? "Amber hindi ko din gusto ito. Maniwala ka pero papatayin nila ako kapag hindi ako nakabayad sa lahat ng utang ko. Maging ikaw papatayin nila." "So this is your way para maligtas ka? Para maligtas ang buhay mo? Ang ibenta ako? Damn it Dad! You're so unfair! Napakabata ko pa!" I glared at Mr. Kang. He's grinning at me. I froze. Napakamaniac ng tingin niya. Siya ang pinagbentahan sakin ni Daddy. My dad sell me. Pinagsuot nila ako ng napakaigsing cocktail dress na kulang nalang ay wala ng takpan sakin. "Stop your dramas Reggie. You girl stop crying. Bebenta pa kita. Bawal ka mapangit!" "Go Amber. Please patawarin mo na ipinukol nila sakin. Lord help me please. Mommy help me. "Good evening ladies and gentleman. The auction is about to start. This is Amber Genetiano. 16 years old. Bata, sariwa. Bidders let's start for 10,000 pesos." Ito na yata ang katapusan ko...
Breaking Steel (FIlipino) by RMManlapit
10 parts Ongoing Mature
"Hindi ko kasalanan na minahal kita!" singhal ni Andrew, nanginginig ang boses. "Eh sana hindi mo na lang ako minahal!" Mabilis lumabas ang mga salita, parang kumpisal na hindi niya sinadya. "Hindi mo sana ako minahal kung hindi mo rin naman ako kayang tanggapin-kung hindi mo kayang tiisin kung sino talaga ako, kahit ano pa ang nagawa ko!" Tumigil siya sa pagkilos. At sa katahimikang 'yon, may marupok na bagay na tuluyang nabasag sa pagitan nila. Naputol ang boses ni Caleta sa bigat ng katotohanang dala niya. "Kaya kong mabuhay sa ginawa ko, Andrew... kung ang kapalit nun ay ang protektahan ka. Protektahan 'yung mga bagay na binuo mo. Kaya kong akuin na ako 'yung kontrabida. Akala ko handa na 'ko sa kahit anong parusa na ibato mo sa 'kin, pero ito?" Napuno ng luha ang mga mata niya. "Na ikaw ang susuko sa 'kin? 'Yun ang hindi ko kayang tanggapin." "Kaya kitang samahan," mahina niyang sabi, mas malambot na pero halatang masakit pa rin. "Kaya kong dalhin kahit anong bigat basta kasama ka. Kung pinapasok mo lang sana ako. Pero hindi mo ako pinayagan. Ikaw ang nagdesisyon para sa ating dalawa. Ikaw ang nagsara ng pinto." Bumaba ang boses ni Andrew, pagod na. "Baka nga tama ka... Baka nga hindi ako kasing tibay mo." Muling lumalim ang katahimikan sa pagitan nila...marupok, at unti-unting napupunit. Dalawang taong nagmamahalan, nakatayo sa gitna ng mga guho ng kung anong puwedeng maging kamangha-mangha... kung natutunan lang sana nilang buuin ito nang magkasama. "Pero ang magmahal," sabi ni Andrew sa huli, "hindi dapat ganito kahirap. Hindi dapat parang digmaan, Caleta." Tiningnan siya ni Caleta, ang luha dumadaloy sa pisngi. "Eh bakit parang ikaw palagi ang kalaban ko?" Corporate warfare meets slow-burn romance. If you love strong female leads, emotionally complex men, and high-stakes power plays with a touch of poetry and passion, this story is for you. Will the Steel Lady bend... or will she break?
You may also like
Slide 1 of 10
Second Hand Love (Completed) cover
Mysterious University cover
The Truth Is Not True cover
Stuck With Me - Published under PHR cover
THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED)  cover
Breaking Steel (FIlipino) cover
The Sweet Revenge (SHORT STORY) cover
One-Night Stand with Agent Night(Book 3) cover
Captain Lester - The Captain of the Sea cover
Trial Marriage - Jasmine Esperanza cover

Second Hand Love (Completed)