Bawat lugar ay may istorya. Bawat bagay ay may dahilan. Pero meron din namang may istorya ma't dahilan, di mo pa rin kayang maipaliwanag kung ano ang kababalaghan.
Hindi lahat ng nagkahiwalay, nawala na sa isa't isa. Minsan, kailangan munang tahakin ang magkaibang landas upang mas maintindihan ang halaga ng isa't isa.
At kung nakatadhana, kahit saan pa kayo dalhin ng buhay, babalik at babalik pa rin kayo sa isa't isa.