"Anong sabi mo? Gusto mo ako? Care to explain? Karylle?",tanong ni Vice habang nakapamewang na nakatayo sa likuran ni Karylle. "Gosh! Anong gagawin ko? Naku naman! Ba't ko pa kasi binanggit yun?",bulong niya sa sarili na tila nanigas at di makagalaw sa kanyang kinatatayuan. "Ah..ahm..Sir Vice una na po akong umuwi sa inyo! B-ba..Bye po!",nauutal na sagot nito. Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ng may humarang sa harapan niya sabay hawak sa kanyang dalawang braso. Nang tignan niya ito ay bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Vice na tila naghihintay ng totoong sagot mula sa kanya. "Oops! You're not going anywhere, lady! Unless you explain everything to me. Right. Now.",sabi nito habang nilalapit kay Karylle ang kanyang mukha. "Patay!",sabi ni Karylle sa sarili.
31 parts