Ang pagmamahalan natin ay hindi isang uri ng kuwento kung saan pinagtagpo at itinadhana. Ang pagmamahalan natin ay tungkol sa pagtalikod at pagkalimot sa isa't-isa. Masaya akong nakilala kita, masaya ako na naging isa ka sa mga pahina at nagsilbing aral sa akin. Simula noon ay nangako ako sa aking sarili na hindi kita malilimutan, ngunit hindi na rin kita aalalahanin.