SYPNOSIS Isang simpleng babae si Lalaine Gomez o kung tawagin sa kanya ng mga tao bilang si "Lala" mabait, maganda, balingkinitan ang katawan at mabuting puso. Sa edad nitong 17 years old, namulat na siya sa hirap ng buhay at ang kasama niya na lamang ay ang kanyang Lola Pasing Sa kahirapan ng buhay, sinubukan ni Lala na mamasukan bilang katulong sa isang mayaman na pamilya, kung saan matagal na pinagta-trabahuan ng kaniyang Lola. Doon nakilala ni Lala si Connor Hughes. Ang lalaking matipuno at ubod ng sungit. Kinakatakutan ng lahat na kung sino man ay hindi nanaisin na galitin ito. Sa isang pag kakamali, natagpuan na lang ni Lala ang sarili na kasama ang binata sa Kama. Nang mapagtanto niya ang nangyari, halos takasan na siya ng bait gayo'ng naibigay niya ang kaniyang sarili kay Connor. Hindi nagtagal, siya'y nabuntis. Nagbunga ang isang pagkakamali na nangyari sa pagitan nilang dalawa. Paano niya sasabihin kay Connor ang totoo, kung mismong binata wala ring maalala sa nangyari? Paano niya ipaglalaban ang nararamdaman niya kung itinakda na itong ikasal sa iba?