Nakilala ko ang taong minahal ko ng sobra sobra, nag mahalan kami ng ilang taon, ngunit sa huli, napag tanto ko na ipinahiram lang pala siya ng tadhana saakin.
Simula ng mag kita, mag ka kilala, mag kasama, at mag karelasyon kami ni amako itinuring ko na siya ang magiging buhay ko. Siya ang magiging rason kung bakit ako humihinga, nag papaka tatag, papaka sikap na makatapos para lang makahanap ng magandang trabaho o kaya naman ay makapag patayo ng bagong negosyo.
Siya ang buhay ko. Ngunit paano na ko ngayong wala na siya.
Bago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?