Sa loob ng tatlompu't limang taong pamumuno ni Haring Adolfo sa kaharian ng Baltimore , marami na siyang natanggap na parangal at marami na ding gustong magpabagsak sa hari dahil narin sa taglay nitong lakas at kapanyarihan. Subalit walang nagwagi at hanggang sa kasalukuyan ay tinitingala pa din siya ng marami pati na rin sa ibang mga kaharian. Isang rason din kung bakit siya ay iniidolo ng marami sat nirerespeto ng mga kalalakihan sa iba't ibang panig ng lugar dahil sa kaniyang nag-iisang anak na nagtataglay ng pambihirang ganda na walang sinumang babae sa kanilang kaharian ang makakapantay doon. Siya si Anastasya, bukod sa kagandahang taglay, si Anastasya ay isa ding Arogante, Mayabang, Mapanlinlang at Masyadong mataas ang tingin sa sarili. kaya naman hinde nakapagtataka na ang mag-amang ito ay maraming kalaban na kailangang patumbahin. Maganda at Marangya ang buhay ni Anastasya ngunit nagbago ang lahat ng iyon dahil sa hindi inaasahang pangyayari kung saan kaniyang unang nakilala ang una't huling lalaking magpapatibok ng kaniyang napaka tigas na puso. Umibig siya sa isang lalaking magdadala sa kaniya sa pagkagalit at pagka muhi sa mundo.All Rights Reserved
1 part