[+R18] Thamara Virginia Hernandez ay isang tipikal na probinsyana laking probinsya ngunit ng mamatay ang kaniyang ina ay kinupkop na siya ng kaniyang tiyahing si Vergilia. Ito na ang nag-aruga sa kaniya at itinurin siyang parang isang tunay na anak kahit na ang bumubuhay sa kanila ay ang pagiging bugaw ng kaniyang tiyahin. Ito rin kasi ang hanap buhay ng kaniyang ina nung ito ay nabubuhay pa, at sa trabaho ring 'yon nakilala ng kaniyang Ina ang banyaga nitong ama na simula't pagkamulat niya ay hindi niya na nakita. Sa hirap ng buhay ay nagsumikap si Thamara na makapag aral kasabay ng kaniyang pag-tatrabaho sa isang resto, isa siyang waitress sa gabi at estudyante sa umaga, mahina lamang ang kita ng kaniyang tiyahin sa gabi gabi nitong pag sama sa iba't ibang lalaki kaya't nagsusumikap siyang mag trabaho upang bawas sa gastusin ng kaniyang tiya. Sa eskwelahan ay madalas siyang matukso dahil sa trabaho ng kaniyang tiya, mga lalaking binabastos siya at mga babaeng nandidiri kung titigan siya. Sinasawalang bahala na lamang niya ito dahil kahit hindi marangal na trabaho ang hanap buhay ng kaniyang tiya Vergilia ay ito ang bumuhay sa kaniya sa loob ng dalawang dekada. Ngunit matitiis niya bang sa halos araw araw na pag pasok niya ay masasamang salita ang bubungad sa kaniya? Dagdagan pa ng ilang guro sa sumasawsaw sa paghihirap niya, lalo na ang kaniyang guro sa matematika na dahilan kung bakit sobrang baba na ng tingin ng iba sa kaniya at parang pati siya ay nabababaan na rin sa sarili. His mathematics Professor Leoncio Samuel Rodriguez, the hottest yet the ruthless professor in her school. Kilala bilang isang gwapo at istriktong guro, ginagalang ng mga estudyante at iba pang mga guro ngunit salungat siya sa mga ito. Dahil hinding-hindi niya igagalang o magugustuhan ang taong lalo siyang sinusubsob sa putik na gusto na niyang takasan.All Rights Reserved