Si Adios Perez ay sanay nang palaging magpaubaya sa kaniyang kapwa lalo na sa mga kadugo niya. Kung mayroon man itong mga bagay na gusto niya ngunit kung nanaisin naman ito ng mga pinsan niya ay pagbibigyan niya ang mga ito dahil alam niya ang pakiramdam kapag nakukuha ang kagustuhan. Isa iyan sa magandang pag-uugali ni Adios, ang pagpapaubaya. Habang lumalakad ang oras, alam niya sa sarili niya na may napupusuan siyang lalaki na si Gino. Sakto namang nag-uusap silang magpipinsan na sabihin kung sino ang tinitibok ng kanilang puso, papangalanan na niya sana, nang binaggit ito ng isa niyang pinsan. Dahil sa narinig agad niyang itinikom ang bibig at ang nararamdaman. Sa pagkakataong ito, pipiliin niya ba ang sarili na maging masaya at 'di magpaparaya? o hahayaan niya nalang tumibok nang mahina at gawing sekreto ang nararamdaman dahil sa kagustuhan ng pinsan?All Rights Reserved
1 part