14 parts Complete Si Aiah at Mikha ay matalik na magkaibigan na halos maging higit pa ro'n.
Sa bawat ngiti, bawat sulyap, at bawat lihim na tinitimpi, unti-unti silang nahulog.
Pero minsan, kahit gaano kalalim ng nararamdaman, hindi talaga sapat ang tamang tao sa maling panahon.
Lumipas ang mga taon, nagbago ang buhay, at nagkahiwalay ang landas nila.
Akala nila, tapos na ang lahat-hanggang sa muli silang pinagtagpo ng tadhana.
Mas matanda na sila, mas marunong, pero pareho pa ring marupok pagdating sa isa't isa.
Sa muling pagkikita, bumalik lahat ng alaala, pati 'yung sakit na iniwan ng "halos kami."
Ngayon, kailangan nilang pumili: babalik ba sila sa nakaraan o lalaban para sa panibagong simula?
Dahil hindi lahat ng kwento nagtatapos sa sayang-may mga pusong bumabalik para itama ang maling timing.
At sa huli, napatunayan nilang hindi lang sila almost happened... kundi they finally did.