Sa buhay, iba't ibang klase ng tao ang nakakasalamuha natin araw-araw. May aswang, bampira, tyanak, multo, kapre at iba pa pero syempre joke lang yun. Sa bawat oras na dumadaan may nakikilala tayo, nagiging kaibigan at minsan pa nga nagiging parte na ng ating buhay. Minsan ang mga taong ito ang nagbibigay inspirasyon para tayo'y pumasok sa skwela at maglakwatsa sandali. Pwede ring sila ang maging dahilan ng first heartbreak natin ..
May mga taong darating ng hindi manlang natin namamalayan, magiging atin, iingatan, aangkinin, at syempre mamahalin. Pero gaya ng pagdating nila, nawawala rin sila ng hindi manlang natin namamalayan...
Paano nga ba tumatakbo ang oras para sa isang high school student na kagaya ko? eh love life kaya?