"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang paraan upang buuin ang kanyang sarili. Katulad ng punong ito, sa kabila ng kantandaan ay nagagawa pa rin niyang ayusin ang kanyang sirang sanga at palitan ito ng mas matibay pa. Iyan marahil ang sinasabing kulay ng tag sibol. Habang may buhay ay may pag asa. Kaya't matutong makipaglaban kahit ang kapalit pa nito ay isang daang beses na pagkakadapa." -ALDRIN JIMENEZ
58 parts