Second year high school nang maging kakalse ni Vivienne ang pinsan ng kaibigan niyang si Anne. Tall, dark, and handsome. Iyon ang deskripsiyon ng mga kamag-aral niya kay Paolo Silvano. Many girls has a crush on him kabilang na si Vivienne. Pero hindi niya ipinapaalam sa kahit na sino iyon. Wala rin namang nakakahalata dahil napakamisteryoso niya. For years, her admiration towards Paolo grew deeper. Ikinatuwa niyang naging kaibigan niya ang lalaki pero nalulungkot siyang hindi niya magawang magtapat dito. And just when Vivienne realized that it wasn't a simple infatuation anymore, something happened between them. Kinabukasan pagkatapos ng sandaling iyon ay labis siyang nasiyahan dahil nalaman niya mula sa lalaki na gusto rin pala siya nito. Niyaya siya nitong magpakasal at pumayag naman siya. Subalit makalipas lamang ang dalawang linggo ay sinugod siya ng ina ni Paolo. Nagagalit ito dahil hindi raw dapat sila nagpakasal ngayong nag-aaral palang ang anak nito. Pinilit siya nitong makipaghiwalay na tinanggihan niya kaya mas lalo itong nagwala. Ang pananakit nito ang naging dahilan para muntikang mawala ang sanggol na sandaling iyon ay hindi niya alam na dala niya.Vivienne didn't know what happened between Paolo and his mother but after she got out gf the hospital, iniwan siya nito. She was heartbroken and cursed him that night. Nagpakalayu-layo siya at sinubukang kalimutan ang lalaki. But after 11 years, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Isang bagay ang hindi maintindihan ni Vivienne sa unang araw ng muli nilang pagkikita. Bakit parang mainit ang dugo nito sa kanya gayong ito ang gumawa ng kasalanan?All Rights Reserved
1 part