Ito ay isa lamang pong kwento at hindi hango sa totoong buhay, ngunit pwede din itong mangyari sa totoong buhay. Ito man ay kwento lamang pero sana ito ay pagpulutan niyo ng aral at gabay upang magsikap, magpursige, magtiyaga, magtiis at maraming pang mga bagay na dapat ninyong gawin. Huwag na huwag kayong susuko ng basta basta lagi ninyong tandaan na may Dios na makapangyarihan sa lahat. Binigyan niya tayo ng mga pagsubok yun ay dahil alam niyang kaya natin itong lampasan. Kaya wag kayong panghihinaan ng loob dahil ito ay bahagi ng mga pagsubok niya, sinusubok niya tayo kung kaya ba natin harapin ang mga pagsubok na alam niyang kaya natin. Ang kalaban lang natin ay ang emosyon, nakadepende ito kung paano natin ito dadalhin dahil sa totoo lang lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay natin ay may solusyon. "Nasa tao ang gawa, nasa Dios ang awa" ika nga.
Maraming salamat po sa pagbabasa, hanggang sa muli, paalam.
-Vincent Ministerio