Walang pinipili ang pag-ibig. Maging tao man o lugar, may pangyayari man o wala, kahit isugal ang kaluluwa, para lang sa pag-ibig. Pano kung makakatagpo ka ng pag-ibig sa di mo inaasahang lugar? At maingay ang paligid dahil sa sari-saring ingay na gawa ng mga tao dito? Dagdagan pa na may mga amoy na hindi kaaya-aya sa iyong pang-amoy? Makakaya mo bang tiisin ang lahat ng iyon alang-alang sa pag-ibig?