Ad Te Repetam Anno 1896
Sa taong isang libo, walong daan at siyamnapu't anim, ang pag-ibig ay hindi isang marikit na tula o malambing na kundimang iniaalay sa ilalim ng buwan, ito ay isang kalapastangan, isang mapanganib na lason na ang tanging pangako sa mga lumalasap ay dusa, luha, at isang malamig na himlayan.
Sa pag-aalimpuyo ng sigwa ng kasaysayan, si Ysabel Villareal-isang binibining namulat sa sinag ng araw ng isang malayang kinabukasan (taong 2025)-ay tinangay ng malupit na tadhana pabalik sa isang bayang nilulunod ng mga prayle sa kamangmangan at nakagapos sa tanikala ng pagkaalipin. Paano nga ba paluluhurin ang isang isipang sanay sa liwanag ng kalayaan sa harap ng isang lipunang ang turing sa kababaihan ay mga maamong palamuting walang karapatang magka-tinig? Siya ay wari'y isang ibong dating malayang naglalayag sa himpapawid na ngayo'y nagpupumiglas na makawala mula sa gintong hawla ng kasaysayan.
Ngunit sa kaniyang marubdob na pagnanasang kalagin ang gapos ng panahon, kaniyang nasumpungan ang isang maginoong nakabilanggo rin sa sariling kasalukuyan-isang liyag na may dalisay na pusong handang magbuhos ng huling patak ng dugo sa dambana ng nagdurugong Inang Bayan.
Sa ilalim ng alapaap na pinapula ng papalapit na poot ng himagsikan, paanong pagtatahiin ng pag-ibig ang dalawang kaluluwang pinaghiwa ng malupit na batas ng kalikasan at panahon? Ang isa ay pilit hinahabol ang bukas upang patuloy na mabuhay, habang ang isa ay malugod na niyayakap ang kamatayan sa kasalukuyan, matamasa lamang ng kaniyang iniibig-at ng mga susunod na salinlahi-ang isang malayang kinabukasan.
Ad Te Repetam Anno 1896.