Epistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya tignan ni Fallera Arceo. Parang anumang oras pwede siyang tangayin ng tingin nito, sinusuka at hinuhusgahan siya dahil isa siyang "basura". Sa mga babaeng dumaan sa kanya lagi siyang binabalikan ng tingin, pero ang isang 'yon malaking insulto para sa kanya dahil kailanman hindi ito lumingon sa kung nasaan siya. Kung ano ang ikinataas ng tingin niya sa sarili niya ganoon din kataas ang pangarap niyang makuha ang atensyon ng dalaga. Paano niya magagawang itulak sa kanya si Fall kung sa una't sapul pa lang siya na ang bumagsak nang tuluyan? At hindi niya namamalayan na sa bawat lukot na papel puro pangalan na nito ang laman? (๑'•.̫ • '๑) Written: December 2021 Revised: June 28, 2023