Fighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat dahil sa kakaibang marka sa kanyang mata. Iniisip nila na isa iyong sumpa at isa siyang malas na dapat layuan at iwasan. Tanging ang kanyang Ina ang kasama niya ngunit ng mawala ito, namuhay siyang mag-isa. Hinarap niya ang pangungutya, pang-aalipusta at nag-training ng mag-isa. Kahit nagtagumpay na palakasin ang sarili, nais pa rin niyang lunasan ang 'sumpang' iyon ngunit walang nakakaalam sa lunas doon. Isang araw, napili siya bilang Premier guard sa Doom's gate, ang pinaka-delikadong lugar sa buong kaharian. Kahit nagtataka tinanggap niya ang tungkulin upang patunayan ang kanyang sarili sa lahat. Doon niya nakilala ang estrangherong si Aurus La Mier. Isang dayuhan mula sa ibang kaharian na may kaalaman ng lunas sa kanyang karamdaman. Nagkaroon siya ng pag-asa na pamilyar ang lahat ng herb na kailangan niya. Ngunit ang pag-asang iyon ay biglang nawala ng malaman na kailangan niyang pakasalan ang taong labis niyang pinagkakatiwalaan sa loob ng misteryosong Kastilyo sa kanilang kaharian. Tuluyang naglaho ang pag-asang iyon sapagkat walang normal na mamamayan ang nakakapasok sa Kastilyo at hindi rin siya nagtitiwala sa kahit sino. Akala niya iyon na ang pinakamahirap, ngunit isang obligasyon ang nakaatang sa kanya kaakibat ng marka. Anong papel ni Aurus La Mier sa buhay ni Gaia? Matulungan kaya siya ng lalaki para tuluyang mawala ang 'sumpa' o ito ang magiging dahilan para tuluyang mawala ang kanyang tiwala?