7 parts Ongoing MatureAng gulo ng mundo. Puno ng mga problemang ayaw kong harapin, pero kailangan. Puno ng mga gawain na hindi ko gusto, pero kailangan. Puno ng responsibilidad na ayaw kong bitbitin, pero kailangan.
Hanggang dito na lang ba ang kalayaan na mayroon ako? Hanggang dito na lang ba ang kakayahan kong lumipad? Ganito na ba ako kababa?
Saan nga ba nagsimula ang gulo? Nagsimula ba nung pinanganak ako? Nung bumagsak ako? O baka nung nakilala ko siya?
Dumating siya sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Sakanya ko lang naramdaman ang kalayaang maging ako, yung hindi tagatupad, hindi tagabuhat, kundi yung ako lang.
Pero hindi sapat ang "tayo" sa mundong puro "bawal." Hindi sapat ang pagmamahal sa mundong may sinusunod na patakaran.
Kaya ngayon, pinili kong lumayo kahit na ang puso ko ay kumakapit parin nang mahigpit. Pinipili kong tumahimik kahit gusto ko nang isigaw ang lahat ng hinanakit.
Kung sakaling magkita tayong muli, sana, wala nang kailangan labagin.