"You never know what you have until it's gone." 'Yan ang isang kasabihan na natutunan ni Vera Villega sa masakit na paraan nung nawala ang boyfriend niyang si Kevin Lacson. Si Kevin ay isang taong maraming pangarap na ikutin ang buong mundo, habang si Vera naman, kuntento na sa buhay niya sa Pilipinas. Tuwing inaaya ni Kevin si Vera na umalis ng Pilipinas, palaging humihindi si Vera. Pero nang biglang nawala si Kevin nang hindi inaasahan, nagsisi si Vera sa lahat ng panahon na humindi siya sa mga hiling ni Kevin. Para makabawi, napag-desisyunan ni Vera na kumpletuhin ang travel bucket list ni Kevin na hindi niya nagawa habang buhay pa siya. Pero anong gagawin ni Vera kapag may nakilala siyang iba sa gitna ng pagtatravel niya? Anong gagawin niya kapag may nadevelop siyang feelings para sa ibang tao? Pipiliin ba niyang isantabi iyon para kay Kevin, o pipiliin ba niya ang sarili niyang kasiyahan?
12 parts