Isang dalaga na wala nang ibang magawa sa buhay kundi ang sumunod sa hinahabilin ng mga magulang nya. Isang dalaga na tubong probinsya na lumuwas ng Maynila para sa lalaking ni minsan ay hindi nya pa nakita. Isang lalaki na busy sa buhay may nobya. Gwapo,mayaman, sikat sa larangan ng pagnenegosyo ang pangalan. Ang lalaking tanging ang girlfriend lang ang nakakaagaw ng pansin nito ngunit ng may dumating na bagong karakter sa buhay nya ay naintriga ito at dahil sa taong iyon ay gumulo ang mundo nila pareho. Mananaig ba ang mga nararamdaman nila o hahayaan nalang na tuluyan ng masira ang mga nasimulan nilang dalawa?