" bakit ka umiiyak..?" tanong ng batang lalaki sa prinsesa.. dahan dahang lumingon sa bata ang Prinsesa.. agad na namula ang mukha ng bata ng makita ang napaka gandang mukha ng prinsesa.... ni hindi nakabawas sa kagandahan nito ang pag luha. " nalulungkot ako kaya ako umiiyak.. walang may gustong lumapit at makipagkaibigan sa akin.." lumuluhang sagot ng prinsesa.. agad na lumapit ang batang lalaki at hinawakan ang kamay ng prinsesa.. " kung makikipag kaibigan ba ako sa iyo ipinapangako mo bang di ka na muli iiyak..?" nakangiting tanong ng batang lalaki na nabihag na ng kagandahan ng prinsesa.. Marahang ngumiti ang prinsesa .. lalong namula ang mukha ng batang lalaki.. " kung ipinapangako mong di mo ako iiwan , pagsisilbihan at poprotektahan , hindi na ako muli pang iiyak..." nakangiting sagot ng prinsesa.. Agad namang tumango ang batang lalaki... " ngunit sa oras na iwan mo ako ... hahanapin kita at papatayin..." dahan dahang sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi ng prinsesa.. Nagtaka man at tumango muli ang batang lalaki.. " ipinapangako ko.. hindi kita iiwan .." nakangiting sabi ng bata... isang halik sa labi at mahigpit na yakap mula sa prinsesa ang natanggap ng batang lalaki... Ilang araw pa ang lumipas.... nawalang parang bula ang batang lalaki at di na kaylan man natagpuan..
37 parts