Nakakakita ng mga multo at elemento si Samantha. At para sa kanya ay isa ng normal na pangyayari iyon sa kanyang buhay dahil na rin sa uri ng pamumuhay na kanyang kinalakhan.
Wala namang balak si Samantha na tumulong sa mga multo, wala nga rin siyang pake sa Kapre na nakatambay sa may puno ng acacia sa kanilang eskwela. Ang dahilan? Kasi takot siya sa mga ito, at mas gusto niya ang magkaroon ng matiwasay at tahimik na buhay.
Ngunit magbabago ang lahat nang biglang magpakita sa kanya si Lucas Santiago, isang multo na hindi pa yumao.
"I-Ibig-sabihin ay buhay ka pa?"
"Oo! Kaya please, Samantha, tulungan mo akong makabalik sa katawan ko!"
At kay Lucas lang ba natatapos ang kwento?
Hindi, dahil may madadagdag na dalawang tao na siyang magbibigay daan sa pagkakabuo ng Third Eye Society Club.
Mula sa multo ay mapupunta sa mga elemento, sa mga aswang at posibleng pati na rin sa manananggal, mga tiktik na gumugulo sa matiwasay na buhay ng mga mamamayan sa bayan ng Solano, at pati na rin sa isang malaking paranormal organization.
Sundan ang spooky mystery solving story ng the Third Eye Society.
Note: This is an original story. DO NOT PLAGIARIZE
Anong kayang gawin ng 3rd eye sa buhay ng lalaking nag-ngangalang Austin Culla? Isang lalaking may sexy na adams apple. Isang binatang matapobre, mayabang at makasarili. Isang tao walang ibang inisip kundi mabuhay ng tahimik at magkaroon ng pera para mabuhay ang sarili.
Sabi nila, the beauty is in the eye of the beholder.
Sa kaso ng kwento ng pag-ibig ni Austin, magawa nya kayang makita ang sinasabing "beauty" sa multong magpapagulo sa tahimik na mundo nya?
Meet Serenity. Well, mahirap syang i-meet dahil naiiba sya sa iba pang mga babae. Hindi sya basta-bastang babae lang dahil multo sya. Isang multong ubod ng kulit, ingay at punong puno ng kalokohan.
Paano kung magtagpo ang landas nilang dalawa?
Will it be possible for a ghost and a mortal to have an happy ending and forever? Or will they end up hurting each other and leaving their memories into experiences?
Pasukin ang kakaibang kwento ng pag-ibig na magpapakilig, magpapatawa at magpapalungkot sa'yo. "HOY MULTO! Inlab ako sa'yo."