A filipino alternate universe novel of a Chinese Drama Series; THE UNTAMED "Sa panaginip lang nagkakilala, memorya ng nakaraang iniukit ng mga tala. Nang magising ay puno ng pagtataka at luha... Mga mata'y 'di inaasahang nagtagpo; matupad na kaya ang napakong pangako?" Si Wei Ying ay isang simpleng estudyante. Napapanaginipan niya lagi ang sarili niya kasama ang isang lalaki. Mahaba ang kanilang buhok at nakasoot ng chinese traditional clothes na hanfu. Sa isang school event ay hindi inaasahang nagtagpo ang landas nina Wei Ying at Lan Wangji o mas kilala sa stage name nitong 'Lan Zhan'. Si Lan Zhan ay isang sikat na mang-aawit at manunulat ng kanta sa bansa. Tatlong taon na siya sa industriyang iyon nang makilala niya si Wei Ying; ang taong lagi niyang napapanaginipan. Naging malapit ang dalawa nang maligaw si Lan Zhan sa lugar nina Wei Ying at sa maikling panahon ay nahulog ang loob nila sa isa't-isa. Itutuloy nila ang lihim na nararamdaman nila ilang libong taon na ang nakararaan. Can these men successfully finish their undone business in their past lives? "Let me be your comfort... Let me be your everything when you're facing temporary nothingness." -Lan Zhan/Lan Wangji "Kay gandang pagmasdan ng buwan, hindi ba?" -Wei Ying DATE STARTED: June 29, 2022 DATE ENDED: August 10, 2022
35 parts