Sampong taon na ang lumipas nang muling lumuwas si Reynalyn Amparo Carmona ng Maynila sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa hirap ng buhay hindi na sana nito nanaising bumalik pa doon para maghanap ng trabaho na mas malaki ang sahod ngunit dahil siya lang ang inaasahan ng kanyang mga magulang kaya napilitan itong lumuwas. Para sa kanya ang Maynila ay isang lugar na puno ng masakit na alaala para dahil dito niya nakilala ang taong unang minahal pero nawala rin sa kanya dahil sa isang pangyayari. Sabi nila siyam sa bawat tao sa buong mundo ang kamukha mo pero posible kayang merong isang taong kamukhang- kamukha mo talaga? Dito nakilala niya si Hyundrill Morales ang lalaking kamukha ni Akihiko ang lalaking una nitong minahal. Halos pagkapareho lahat ng anggulo ng mukha ng mga ito kahit saan mo ito tingnan pero sa ugali ay sobrang layo ng mga ito.Kung si Akihiko ay palakaibigan at laging palangiti si Hyundrill ay sobrang sungit, arogante at cold na tao na pati ang lamok ay matatakot lumapit dito. Hindi siya kilala nito dahil may sariling buhay at alala itong kinalakihan. Isa pa hindi ito si Akihiko kahit pa masasabing sobrang magkamukha ang mga ito. Dagdagan pang ubod ito ng sungit kay Reynalyn na akala mo wala nang ginawang tama ang huli. Pero kailangan nitong magtiis lalo pa't mataas ang pasahod ng kompanyang pinagmamay- arian nito. Magagawa niya kayang mahalin ang katulad ni Hyundrill? O baka dahil sa kamukha lang ito ng taong unang minahal na hanggang ngayon ay hindi parin nito makalimutan?