Kapag tinamaan ka nga naman ng kamalasan oh, sa campus ka pa talaga tinablan ng LBM! Kaya si Allen ayun, kumaripas na sa kanyang paboritong hide-out at most sacred place sa kanya: ang banyo sa 5th flr Sophomore's Bldg para doon ihinga ang kanyang mga 'hinain'. Eh teka lang, Paano ka lalaban sa gyera ng walang armas? . . . ah este tissue paper?! Tapos na-caught-in-action ka pa sa loob ng cubicle ng pinaka-notorious na bad boy sa school niyo, ano nang gagawin mo?! . . . Eh di malamang, manghihingi ng tissue engot!! XDD