"Sa yakap mo lang ako palagi uuwi, Jen. Sa mga bisig mo lang naman ako nakakapagpahinga, kaya bakit hahanap ako? bakit susubukan ko sa iba, kung pwede naman akong sa'yo sumugal?" "Oras Jaem, oras ang kalaban ko. Hindi ang tadhana, hindi ang pagmamahal ko, hindi ang pagmamahal mo. Oras Jaem, oras. Naiintindihan mo ba ako? " "Pero, pwede ba ako manood ng Takipsilim kasama mo?" "Hindi pwede e. Pero malay mo sa susunod na Takipsilim pwede na?" "Paano kung wala ng susunod?" "Edi sa susunod na habang buhay, doon mas maganda ang Takipsilim, doon tayo manood ng walang katapusan, walang pagpipigil walang oras na kailangan labanan."All Rights Reserved
1 part