Malaya Street is a haunted street humored by people. Pagpatak pa lamang nang alas 8 ng gabi ay wala nang nangangahas na mga sasakyang dumaraan sa kalsadang ito dahil sa laganap na bali-balitang may isang lalaking nakaputi ang nang-aambang at pumapara ng mga sasakyan sa kalagitnaan ng madilim na gabi. After five years, Shantal finally came back to their old house to celebrate her birthday. Habang minamaneho niya ang kaniyang sasakyan sa kalagitnaan ng madilim na gabi ay bigla na lamang itong huminto sa Malaya Street na alam niyang bali-balitang haunted. Sa paghinto ng kaniyang sasakyan, ano kaya ang posibleng mangyari? Makikita niya kaya ang sinasabing multo na nagpapakita rito? O ibang multo ang kaniyang madidiskubre katulad na lamang ng multo ng nakaraan... Halina't ating alamin!